November 23, 2024

DOST INILUNSAD ANG ‘HANDA PILIPINAS’ MINDANAO LEG SA GENERAL SANTOS CITY

INILUNSAD ng Department of Science and Technology (DOST), sa pamamagitan ng tanggapan nito sa Region XII, ang “Handa Pilipinas” Mindanao Leg sa KCC Convention Center sa General Santos City.

Layon ng naturang event, na may temang Enhancing Mindanao’s Resilience through Science, Technology and Innovation, na ihanda ang mga komunidad mga kalamidad sa tulong ng agham at teknolohiya.

Nabanggit ni Engr. Sancho Mabborang, DOST Undersecretary for Regional Operations, ang kahinaan ng Mindanao sa volcanic hazards at flash floods.

Binanggit din nito na matatagpuan sa naturang rehiyon ang hindi bababa sa 25 aktibo at hindi aktibong mga bulkan.

Binigyang-diin ni Mabborang ang kahalagahan ng mga makabagong teknolohiya sa paghahanda ng mga komunidad sa mga ganitong panganib.

Ayon kay Assistant secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV,  na siyang Deputy Administrator for Administration and Education of the Office of Civil Defense (OCD), nakatuon ang DOST at OCD sa pagbawas sa disaster risks at pagpapatupad ng epektibong hakbang.

Sa kanyang pangunahing talumpati, itinuon ni DOST Secretary Dr. Renato U. Solidum Jr. ang kahalagahan ng paghahanda para sa mga natural hazards, na itinuturo na ang pag-iwas sa sakuna ay isang responsibilidad, at sa pamamagitan ng wastong pagpaplano at estratehiya, ang mga komunidad ay mapoprotektahan mula sa mga panganib.

Sinabi ni Solidum na ang isang proactive approach sa disaster mitigation ay ang pundasyon ng Handa Pilipinas program, na naglalayong bigyan ng kakakayahan ang mga komunidad upang iligtas ang mga buhay at kabuhayan.


Isang mahalagang sandali sa kaganapan ay ang paglagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOST at ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU).

Layunin ng MOA na tugunan ang pangangailngan para mapanatili ang kabuhayan at development ng komunidad sa Minanao areas.

“The transformative potential of technology in peacebuilding efforts, noting how it can foster dialogue, create economic opportunities, and promote healing and trust within communities,” ayon kay Secretary Carlito G. Galvez Jr., Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity.