November 23, 2024

PH Shooting Team kumpiyansa sa SEASA Championships

PH Shooting sa TOPS


MASUSUKAT ang kahandaan ng mga Pinoy shooters sa kanilang pagsabak sa 25h Southeast Asian Shooting Association (SEASA) Championships na gaganapin sa bansa at sa Taiwan sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 13.

Ayon kay Philippine National Shooting Association (PNSA) Secretary General Iryne Garcia ang SEASA event ang pinakamalaking torneo na iho-host ng bansa sa nakalipas na mga taon at pursigido ang Philippine Team na malagpasan ang naging kampanya hindi man madomina ang torneo na lalahukan ng siyam na bansa sa rehiyon ang ilang bansa sa Asya, USA at Australia.

Isasagawa ang torneo sa apat na venues sa bansa ang Magnus range at Clay shooting farm na kapwa matatagpuan sa Lipa, Batangas, ang Marines Shooting range sa Taguig at PNSA shooting range sa Muntinlupa City. Bunsod ng kakulangan sa equipment, nagdesisyon ang PNSA na ibigay ang rifle event hosting sa Taiwan.

“We will used the SEASA event as our National Open Championships so we expected our competitive local shooters aside from members of the National team to participate and test their skills against some of the best in the region plus other countries like Japan, USA, China and Australia,” pahayag ni Garcia sa pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Kasama niyang nagbigay ng pananaw sa mga paghahanda at kaganapan sa mga programa ng PNSA sina National target clay shooter Cathy Levanza, SEAG gold medalist pistol shooter Elvie Baldivino, coach Julius Valdez and American coach Murad.

“We’re doing elimination tournament since January to select the best athletes for SEASA this year and other international competition next year including the SEA Games in Bankok, Thailand,” sambit ni Garcia sa ligguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine and Pocari Sweat.

Kinatigan ni coach Murad ang pahayag ni Garcia at iginiit na sa ilalim ng kanyang liderato ay masinsin niyang inihahanda ang mga mga Pinoy pistol shooters para mabuo ang magtatag at winnable na koponan.

“Preparation is in place, every weekend we have an elimination event, best of the best,” sambi ni Morad na tinukoy  si Franchete Shayne Quiros na pambato ng bansa sa kasalukuyan.

Ang 28=anyos an si Quiroz ang kasalukuyang No.1 pistol shooter sa kababaihan at muntik nang mag-qualified sa nakalipas na Olympics sa dalawang qualying event na nilahukan.

“She almost made it to Paris. But this coming SEASA, expect her to wow the crowd,” aniya.

Kumpiyansa si Garcia sa magiging laban ng Philippine Team, habang patuloy aniya ang programa ng PNSA para isulong ang malawakang grassroots sports development program para sa atleta at sa mga coach.

“We’re planning to get two more foreign coach hopefully with the help of MVP Sports Foundationand the Ayaan para matulungan ang ating mga local coaches. At the same time, sinusuportahan naman natin ang enhancement program  tulad ni coach Julius (Valdez) na attend ng seminars para mapataas yung coaching knowledge niya,” aniya. (DANNY SIMON)