November 23, 2024

Buhay ng mga Pinoy umunlad sa Bagong Pilipinas program; Cong. Tiangco

SINABI ni Navotas Representative Toby Tiangco na patuloy na lumalakas ang pananaw ng administrasyon sa Bagong Pilipinas dahil umano sa pagbabago sa kalidad ng pamumuhay ng maraming Pilipino.

Patunay ito sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) na 39% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino na naniniwala na umunlad ang kanilang pamumuhay kumpara sa sa nakalipas na isang taon.

“The recent SWS survey is a clear reflection of the current administration’s effective governance.We’ve witnessed consistent efforts to reduce inflation, bolster food security, enhance education programs, attract foreign investments and expand social welfare initiatives, kaya hindi rin nakakagulat na nararamdaman ng mga kababayan natin na bumubuti ang kanilang buhay,” ani Tiangco.

Ang survey, na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, nagpakita umano ng pagtaas ng +15 o paglobo ng 10-puntos kumpara sa survey ng Marso 2024 sa patas na marka na +5.

Ang pagtaas ng marka, ayon kay Tiangco, iniuugnay sa reporma ng administrasyon sa agrikultura, edukasyon, pagbangon ng ekonomiya, pamumuhunan at kapakanan ng ekonomiyang panlipunan na mahalagang sangkap upang direktang maramdaman ng bawa’t Pilipino.

“President Bongbong Marcos’ vision of a Bagong Pilipinas is anchored on transformation and driven by principled, accountable and dependable government.

This is streamlined across government programs which have exponentially expanded assistance to Filipinos, ushered in economic recovery and pushed for policy reforms,” dagdag niya.

Umaasa si Tiangco na marami pang mga magagandang bagay na darating lalo na’t nananatiling nakatutok ang administrasyon sa pangakong mga programa na layuning paunlarin ang ekonomiya at mapabuti ang buhay ng mga ordinaryong Pinoy.

“As of the second quarter of 2024, the total amount for approved foreign investments is P189.5B which cuts across electricity, gas, steam and air conditioning, manufacturing, administrative and support services industry. More importantly, these pledges are spread nationwide so we can expect continuous creation of jobs, as well as revival and growth of local economies,” sabi pa ng mambabatas.

Kahit umaasa sa tagumpay, binigyang diin pa rin ni Tiangco ang pangangailangan ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magtulungan upang makamit ang itinakdang layunin ng administrasyon.

“There’s still much to be done, but being on the right track is crucial as we sustain our momentum,” sabi niya.

“Kumbaga, maganda yong umpisa kaya ‘wag nating sayangin. Ang hamon sa atin lalo pang palakihin ang numero ng mga kababayan nating kayang magsabi na mas bumuti ang buhay nila,” dagdag niya.