BIGYANG -DAAN ang bagong tatag na sports association sa Pilipinas na malaki ang potensiyal na makapag-aambag ng karangalan sa bansa sa malaong hinaharap.
Nagsimula na ang mga aksiyon sa binuong samahan sa martial arts na itinatag ni 2006 Doha Asian Games gold medalist Rene Catalan na siya ring may-ari ng Catalan Fighting System sa Makati City, nitong weekend.
Full force ang mga young and adult Sudokwan martial artists/ athletes na nagsimula na ng kanilang training sa day one pa lang ng SUDOKWAN.
Tampok sa kaganapan ang panunumpa sa tungkulin ng mga miyembro ng Sudokwan Association, Inc.ayon sa mga sumusunod: Brookeshield Imperial, Kap Reynaldo Legaspi ng Pasay City, Mark Afuentes, Mhar Jhon Manahnan, Isagani Domingo, Rhino Casipe , Rene Catalan Jr., Zander Gregorio, Edemel Catalan, Jomary Torres, Rocel Catalan, Robert James Lagan, Roque Verangel Mana-ay Jr., Jessel Mandia at Ruel Catalan.
Bilang buwenamanong pagpapakilala sa sports community ng bansa ay magdaraos ng higanteng torneong 1st Sudokwan National Open Championship sa Oktubre 12 sa Pasay City na balwarte ni Sto Niño Kapitan Rey Legaspi na supotado ng LGU at siyang may pinakamaraming miyembrong Sudokwan enthusiasts sa Metro Manila.
“Iniimbitahan po natin ang ating mga kaisport sa martial arts na saksihan at maari ring makipagtunggali sa ating unang presentasyon ng kampeonato sa Sudokwan na sasambulat sa Oktubre 12 (Cuneta Astrodome). Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa ating mga magiging taga-suporta o sponsor para sa ikatatagumpay ng Sudokwan championship,” pahayag ni Sudokwan top brass Catalan na optimistikong kikilalanin at iwe-welcome ng Philippine Olympic Committee family na pinamumunuan ni POC president Cong. Abraham ‘ Bambol’ Tolentino.
“Aksiyon agad tayo sa Sudokwan.Local tourneys muna then international competitions na in the long run,” wika ni Board of Director Dr. Imperial na siyang may timon sa operasyon ng asosasyon management wise.” Kung gusto ninyong matuto ng disiplina, direksiyon at ambisyon ang inyong mga anak na kabataan, Sudokwan ang kasagutan!” dagdag ni humanitarian advocator Imperial.
Ang Sudokwan ay pinagsamang kahulugan na Su (suntok), do (domog) at kwan na sa terminong martial arts ay ‘lakas’. (DANNY SIMON)
More Stories
Wala pang person of interest sa kill order ni VP Sara vs Marcos, iba pa – NBI
SEC. GADON, IPADI-DISBAR SI VP SARA
2025 NATIONAL BUDGET APRUBADO SA SENADO