NADAKIP ng taumbayan ang 23-anyos na miyembro ng gang na ‘Batang City Jail’ matapos makita ang ninakaw na bisikleta sa harap ng isang opisina sa Malate, Manila, Biyernes ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Oscar de Paz ng 1661 Crisolita St., San Andres Bukid, Manila.
Ayon kay P/ Lt. Col. Micheal Garcia, Station Commander ng Manila Police District – Malate Police Station, dakong alas-1:00 nang makita ng complainant na si Christoper Quintana, 24, broker at residente ng Barangay Valenzuela, Makati City, ang kanyang ninakaw na mountain bike na may halagang P8,000 sa harap ng Mzan Logistic Office sa 2561 Lemery St., Malate.
Hinabol ni Quintana ang suspek at kalaunan ay nakihabol na rin ang mga tambay hanggang makorner ang suspek at itinurn over kay Robin Marteja, barangay kagawad ng Barangay 759, Zone 82 sa District V sa Malate. Dinala naman siya ng mga awtoridad ng barangay sa MPD-Arellano PCP.
Nahaharap ang suspek sa karampatang kaso sa Manila Prosecutor’s Office.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE