HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang dating opisyal ng Department of Education (DepEd) na maglabas ng dokumento para patunayan ang kanyang akusasyon na namigay ang dating Education Secretary ng mga envelope na may lamang pera.
Kasunod ito ng sinabi ni Mercado sa pagdinig ng Kamara na nakatanggap umano siya ng pera mula sa bise nang italaga siyang pinuno ng procurement department ng Department of Education.
“Dapat siguro kung mag-akusa siya ng ganiyan may papel siya,” ayon kay Duterte.
“Gloria Mercado is a disgruntled former employee of the DepEd. She was let go because of loss of trust and confidence sa office of the Secretary,” aniya. “Hindi lang siguro niya matanggap na kasalanan niya bakit siya pinalayas sa DepEd.”
Inakusahan din niya si Mercado ng pag-solicit ng P16 milyon sa isang kompanya gamit ang pangalan ni Duterte nang walang authorization.
Ang naturang halaga ay gagamitin para sa transportation, power source, web hosting at iba pang technical requirements para sa DepEd – General User Response Optimization (DepEd-GURO) program, batay sa liham na may lagda ni Mercado, ayon kay Duterte.
Isang guro naman sa Cebu ang nagsumbong kay VP Sara na may isang ‘teacher item’ ang wala sa kahit saanmang paaralan sa lalawigan.
“Ginawa niyang Executive Assistant niya… mayroon yang paper trail,” ayon kay Duterte
“Hindi ko na pinalampas. Sinabihan na siya (Mercado) na there is loss of trust and confidence and you should go,” aniya pa.
“Sabi niya, ‘Puwede ba mag-retire na lang ako kasi ang tagal ko na, matanda na ako.’ Then sinabihan siya, ‘Okay,’” dagdag pa nito.
Hindi na raw nakakagulat ang rebelasyon ni Mercado laban sa DepEd sa congressional inquiry dahil kilala raw ito na madalas na manira nang walang sapat na basehan, ayon sa Vice President.
“Sinisiraan niya isang Usec and isang Asec ng DepEd. Bago pa kami noon… Nagulat ako kasi kapag HR ka, hindi dapat ikaw mag-cause ng away-away sa institusyon,” saad niya. “Ganoon din ginawa niya noong umalis na siya sa DepEd… Lumipat siya sa Senate, one of the offices of the senators,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA