HINDI magkapareho ang pirma sa counter-affidavit ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at pirma sa attendance sa Senado.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, ito ang lumabas sa ginawang pagsusuri ng NBI document examiner sa mga pirma ni Guo sa counter-affidavit na notaryado ng kanyang abago na si Atty. Elmer Garcia at pirma sa attendance nang dumalo ito sa pagdinig sa Senado noong Setyembre 9, 2024.
Sinuri mabuti at pinagkompara ang pirma ni Guo gamit ang kanyang counter-affidavit na may petsang Agosto 14, kanyang Senate attendance at kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN).
Nangangahulugan ito na ibang tao ang pumirma sa counter-affidavit ni Guo.
Ayon kay Santiago, magagamit ito ng NBI bilang ebidensiya sa kaso ni Guo na may kinalaman sa pagkakasangkot niya sa POGO operations sa kanyang huridikasyon.
Dagdag pa niya, aalamin ng NBI kung sino ang pumirma sa counter affidavit ni Guo. (ARSENIO TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA