PINAG-USAPAN nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, kasama si Chinese Ambassador Huang Xilian ang posibilidad ng paggamit ng Chinese technology para mas mapabilis ang pag-unlad ng lungsod.
Naging sentro ng usapan ang posibleng integration ng makabagong teknolohiya sa city management, business development, at innovation na dinaluhan ng mga opisyal mula sa Malabon Chamber of Commerce and Industry, Inc., na nakibahagi sa diskusyon ng mga plano.
Kasama sa mga tinalakay ang oportunidad para mapabuti ang public services at madagdagan ang job opportunities para sa mga Malabueño. Sa kabila ng mga concerns tungkol sa Chinese technology, binigyang-diin ni Mayor Sandoval na hindi lang ito tungkol sa teknolohiya kundi tungkol din sa collaboration at pagtutulungan para sa long-term growth ng Malabon.
“Ang mga ganitong partnerships ay magdadala ng mas mabilis na serbisyo para sa mga residente. Tulong-tulong tayo, hindi lang para ngayon, kundi para rin sa hinaharap,” ani Sandoval, na naniniwala sa potential ng mga makabagong solusyon para sa progreso ng Malabon.
Inaasahang ang pagpapalakas ng relasyon ng Malabon sa Tsina ay magdadala ng bagong opportunities, lalo na sa infrastructure improvements at business growth. Isang malaking hakbang ito para sa lungsod, lalo na’t nais ng local government na mapakinabangan ang mga teknolohiyang ito para masolusyunan ang mga kasalukuyang problema at mapaunlad ang ekonomiya.
Hindi lang tungkol sa teknolohiya ang agenda ng pagpupulong. Sa ilalim ng Malabon Ahon program, patuloy na ipinapakita ni Mayor Sandoval ang kanyang dedication sa paghahanap ng mga bagong oportunidad na magdudulot ng benepisyo para sa mga Malabueño.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA