November 24, 2024

P6.8-M ILLEGAL NA DROGA SA PARCEL NASABAT NG BOC

MAHIGIT sa P6.8 milyong halaga ng illegal na droga mula sa mga parcel ang matagumpay na nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-AIDITG) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Nadiskubre sa apat na parcel ang 4,877 gramo ng kush (high-grade marijuana) na may halagang P6,839,560 at pitong vape cartridges na may lamang cannabis oil na may halagang P11,760.

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga nakumpiskang droga. Isasailalim sa imbestigasyon at mga consignees ng mga parcel at kakasuhan sa dahil sa paglabag sa Republic Act. No 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

“Our resolve to prevent the entry of illegal drugs into the Philippines is stronger than ever. This operation highlights our unwavering commitment to safeguarding our communities,” ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio.

Sa ilalim ng patnubay ni District Collector Atty, Yasmin Mapa, patuloy na pinaiigting BOC-NAIA ang kanilang pagsisikap upang matiyak na ligtas ang boarder ng bansa at ang paglaban sa illegal drug trafficking.