NAGPAABOT ng pasasalamat si Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagbisita sa lungsod at pagbibigay ng tulong pinansyal sa 3,682 mangingisda.
“We are deeply grateful that the President took time out of his busy schedule to visit Navotas and personally meet our fisherfolk beneficiaries. His administration has provided extensive assistance to our residents and provided economic relief for thousands of Navoteños,” ani Cong. Tiangco.
“Saksi ang mga Navoteño na sa dalawang taon pa lamang ng administrasyong Marcos, napakarami na ng naipaabot niyang tulong sa aming mga kababayan sa Navotas. Mula sa dagdag pondo para sa mga medical assistance, AICS, TUPAD at ang bagong programang AKAP, mas malawak ang naaabot ng mga programa ng pamahalaan sa pamumuno ni President Bongbong,” dagdag niya.
Sinabi niya na ang 3,682 fisherfolk beneficiaries ang nakatakdang makatanggap ng P5,000 na cash assistance ngunit itinaas ito sa P7,500 na sinabi ni Marcos sa kanyang mga pahayag.
“Makikita naman natin ang agaran at mabilis na pag-responde ng ating Pangulo sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan. While Navotas was not directly affected by the oil spill incident in Bataan, our fisherfolk had to contend with low farmgate prices. The cash assistance given by the President will significantly help in addressing the daily needs of their families,” aniya.
Bago ang pagbisita ng Pangulo, inihayag ni Tiangco na 2,368 rehistradong PWDs ang tatanggap ng tulong sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program bilang pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo.
“Libo-libong Navoteño na ang natulungan ng AKAP. Sa ngayon, aabot na sa 10,282 ang nabigyan ng cash assistance dahil sa programang ito simula noong Mayo pa lamang. Clearly, the President is serious in his commitment to widen the reach of assistance programs of the government. Ramdam na ramdam iyan dito sa aming lungsod, at sa iba pang parte ng bansa,” sabi pa niya.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nakatanggap ng kabuuang P43.415M na tulong mula sa Tanggapan ng Pangulo sa kanyang pagbisita, at 10 kilong bigas mula kay Speaker Martin Romualdez para sa lahat ng dumalo sa kaganapan.
More Stories
MATINDING TRAPIKO ASAHAN NA SA MINDANAO AVENUE DAHIL SA SUBWAY CONSTRUCTION
MANIBELA NAGSAGAWA NG KILOS-PROTESTA
P3.3-M ALAHAS NILIMAS NG AKYAT-BAHAY SA QUEZON