SWAK sa kulungan ang dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas Odeng, 23, ng lungsod at alyas Jomar, 30, ng Valenzuela City.
Ayon kay Major Rivera, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang ulat, agad bumuo ng team si Major Rivera sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa ang buy bust operation, katuwang ang Caloocan Police Sub-Station (SS6) na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-9:34 ng gabi sa Blk 10 19th Street Libis Baesa, Barangay 160.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 65 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P442,000.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA