NASAKOTE ng pulisya sa ikinasang manhunt operation ang 21-anyos na lalaking wanted sa panggagahasa sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 hinggil sa kinaroroonan ng akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person ng lungsod.
Agad bumuo ng team si SS9 Commander P/Major Segundino Bulan Jr, kasama ang Aurora Provincial Field Unit CIDG saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-8:00 ng gabi sa Congressional Road, Brgy., 173.
Ayon kay Major Bulan, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Teresa De Guzman Alvarez ng Regional Trial Court Branch 131, Caloocan City para sa kasong Rape.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail
More Stories
PALASYO NAGLABAS NG EO PARA ‘TODASIN’ ANG POGO SA ‘PINAS
CHAMPION ANG TNT SA GOVERNORS CUP!
DOH-W. VISAYAS NAGLUNSAD NG KAMPANYA KONTRA PAPUTOK