November 22, 2024

P85-M HALAGA NG FROZEN MEATS NASABAT NG BOC SA PARAÑAQUE

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P85 milyon halaga ng smuggled meat products at foodstuffs na may foreign markings sa isinagawang major enforcement operation nitong kamakailan lang sa isang warehouse sa Parañaque City.

Ikinasa ang nasabing operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Customs Intelligence and Investigation Sevice – Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service – MICP (ESS-MICP), Philippine Coast Guard-Task Force Aduana (PCG-TFA), at the Department of Agriculture – Inspectorate and Enforcement (DA-IE) sa bisa ng Letter of Authority (LOA).

Nang ipinakita ang LOA sa warehouse representative, agad nag-inspeksyon ang mga awtoridad, kung saan nadiskubre ang malaking bilang ng frozen food products, kabilang ang duck, chicken at pork meat, gayundin ang food items na may Chinese at iba pang foreign markings na nagkakahalaga ng P85 milyon.

Para ma-secure ang items, pansamantalang pinadlak at sinelyuhan ang naturang warehouse. Magsasagawa ang Customs Examiners ng detailed inventory sa nasabat na goods sa presensiya ng CIIS at EES agents at mga representative mula sa warehouse.

“We rigorously monitor and regulate agricultural imports to prevent the entry of illicit products that could undermine the integrity of our agricultural industry. Our stringent inspection protocols and enforcement measures ensure that only compliant goods enter the market,” ayon kay Commissioner Bienvenido Y. Rubio.