December 19, 2024

BI NAGPASALAMAT SA PAOCC

PINASALAMATAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), partikular nang banggitin ni spokesman Dr. Winston Casio sa isang news program ang pagsisikap ng BI para mahanap at maaresto si ex-Bamban Mayor Alice Guo.

Sa nasabing interview, ibinahagi ni Casio na walang nakitang anumang ebidensiya ang PAOCC kaugnay sa pagkakasangkot ng immigration personnel sa illegal departure ni Guo.

 “We have not found any evidence either way with regards to any possible liability as far as the Bureau of Immigration is concerned,” saad ni Casio.  


 “Bear in mind that we have no evidence that she went through our immigration office.  Basing on the testimony of Shiela that she got out of the Philippines using ferries, using sea vessels (that) do not necessarily go through the immigration.  Chances are there was no immigration personnel who accommodated or facilitated her getting out of the Philippines.  But again, that was the testimony of Shiela.  We’d have to listen to the testimony of Alice,” dagdag niya.

Pinasalamatan ni Tansingco ang PAOCC sa ipinakitang pagsisikap ng mga tauhan ng BI sa pakikipagkoordinasyon sa Indonesian authorities upang matiyak na maibabalik si Guo sa Pilipinas.

“I am 100% certain that in this particular retrieval, repatriation, possible repatriation of Alice, this is the work, the hard work of the people from the Bureau of Immigration,” saad ni Casio  sa nasabing interview.

Inihayag ni Tansingco nang malaman ang pagdating ni Guo sa Indonesia, agad siyang nagpadala ng impormasyon sa Indonesian Immigration na si Guo ay subject ng mission order na inisyu ng BI.

Nakabalik na ng Pilipinas si Alice Guo at nakadetine sa parehong seldang ginamit ni dating Sen. Leila de Lima. (ARSENIO TAN)