Sa gitna ng ginagawang roadside cleanup project, isang barangay chairman ang pinagbabaril ng dalawang katao na magkaangkas sa motorsiklo sa Maragondon, Cavite, nitong madaling araw ng Sabado, Agosto 31.
Kinilala ni Maragondon police chief Major Cris Mangupay ang biktima na si Rodrigo Tanagras, 53, tserman gn Barangay Bridge A ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng clean-up drive si Tanagras kasama ang mga barangay health worker sa kanilang barangay nang biglang dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at biglang pinagbabaril ang biktima hanggang sa bumagsak.
Isinugod si Tanagras, isang retiradong pulis, sa San Lorenzo Ruiz Hospital na malapit sa Naic subalit hindi na umabot pa ng buhay.
Patuloy na iniimbestighan ng pulisya ang motibo sa krimen.
More Stories
AI HINDI GANAP NA IPAGBABAWAL PARA SA 2025 ELECTIONS CAMPAIGNS – COMELEC
Armscor unveils RIA Defense brand aimed at military and law enforcement market
CONG. TIANGCO: PAGSISIKAP NG GOV’T KONTRA ONLINE CHILD ABUSE, HIGITAN