IPINAG-UTOS ng Davao City Regional Trial Court Branch 15 sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-alis sa compond ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa naturang lungsod.
Batay sa tatlong pahinang kautusan na nilagdaan ni Judge Mario Duaves, pinatitigil ng korte ang mga aktibidad ng pulisya sa lugar.
Pina-aalis din sa PNP ang mga barriers na nasa entry points ng compound.
Ang kautusan ay inilabas kasunod ng hiling na temporary protection order ng kampo ni Quiboloy dahil sa matagal na pananatili ng mga tauhan ng pamahalaan sa kanilang lugar na sambahan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA