SWAK sa selda ang tatlong drug suspects matapos makuhanan ng nasa P170K halaga ng shabu makaraang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.
Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala niya ang mga suspek na si alyas Tan-tan, 43, at 34-anyos na taxi driver na kapwa resident lungsod.
Ayon kay Major Rivera, ikinasa ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora, katuwang Bagong Barrio PoliceSub-Station (SS5) ang buy bust operation kontra sa mga suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.
Nang tanggapin umano ng isa sa mga suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba dakong alas-9:35 ng gabi sa loob ng isang bahay sa Atis St., Brgy., 142.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000 at buy bust money.
Alas-10:52 ng gabi nang maaresto naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy bust sa kanto ng Kaagapay Road at Tatian St., Brgy., 188, si alyas Nas, 22, ng lungsod.
Sa report ni Lt. Mables kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, aabot sa 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 ang nakuha nila sa suspek, kasama ang buy bust money. Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY