November 24, 2024

Ilang bahagi ng kalsada sa Maynila isasara para sa bar exams

MAGPAPATUPAD ng road closures at traffic re-routing scheme sa ilang lugar sa Maynila sa susunod na buwan, para bigyang-daan ang isasagawang 2024 Bar Examinations sa San Beda University.

Ayon kay Manila Public Information Office chief Atty. Princess Abante, ipatutupad ang nasabing road closures at rerouting scheme mula alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng gabi sa Setyembre 8, 11 at 15 sa Mendiola area malapit sa naturang unibersidad.

Kabilang sa isasara ang Mendiola Street (parehong lanes mula Peach Arch patungo sa Malacañang Gate) at Concepcion Aguila Street (parehong lanes mula Mendiola hanggang Jose Laurel Sts.).

Inaabisuhan ang lahat ng mga motorist na humanap ng alternatibong mga ruta sa nasabing petsa upang maiwasan ang trapiko.

Sa Metro Manila, ang ibang testing centers para sa bar exams ay sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila; Manila Adventist College sa Pasay City; University of the Philippines-Bonifacio Global City sa Taguig City at San Beda College-Alabang sa Muntinlupa City.

Sa Luzon, isasagawa rin ang parehong exams sa Saint Louis University, University of Nueva Caceres at University of San Jose-Recoletos, Central Philippine University at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation sa Visayas.

Sa Mindanao, Mindanao, isasagawa ang bar exams sa Xavier University at Ateneo de Davao University. (ARSENIO TAN)