November 23, 2024

MIGRANTE INTERNATIONAL TUTOL SA TAPYAS-BUDGET PARA SA OFW SERVISES SA 2025

Ryan San Juan

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang Migrante International, kasama ang migrant at labor groups, sa harap ng House of Representatives upang tutulan ang panukalang tapyasan ang budget para sa OFW services sa 2025. Isinagawa ang naturang protesta kasabay ng pagdinig ng House Committee on Appropriations sa Department of Migrant Workers (DMW).