Opisyal nang ka-tropa ng New York Knicks si Tom Thibodeau bilang next head coach. Inanunsiyo ito ng team kaalinsabay ng NBA bubble restart.
Si Thibodeau na ang ika-10 full-time head coach ng Knicks ngayong siglo. Papalitan nito si interim coach Mike Miller. Tinawag naman ni Thibodeau ang pagkakapili sa kanya bilang coach na ‘ dream come true’.
“This a dream come true for me,” saad niThibodeau sa Zoom press conference.
“This is my dream job … “Maybe part of that is I grew up in Connecticut. My father, my family, we grew up as Knicks fans. I think I experienced it during the ’90s that there’s no better place to be than Madison Square Garden.”
“And so I love challenges, I love that city, I love the arena, I love the fans and I’m excited about the team,” dagdag nito.
Kung matatandaan, naging coach si Thibodeau ng Chicago Bulls (2010-2015) at Minnesota Timberwolves (2016-2019). Sa pagtitimon niya sa Bulls, nagging successful ito at nakarating sa NBA Eastern Conference Finals kontra Miami Heat noong 2011.
Naging ‘Coach of the Year’ siya noong 2011 at 2012 NBA All-Star game head coach. Naging assistant coach din siya ni Doc Rivers sa Boston Celtics. Kung saan, nagkampeon ang team noong 2008 laban sa Los Angeles Lakers.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!