November 23, 2024

CONG. TIANGCO PINURI ANG DAGDAG ALLOWANCE PARA SA MGA GURO

PINAPURIHAN ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, na magbibigay ng hanggang P10,000 allowance sa mga public school teachers.

“Public school teachers continue to face diverse challenges so this additional allowance will help in easing some of their burdens and worries as they fulfill their functions as educators. Malaking tulong itong additional allowance na pwede nilang magamit para sa mga paunang gastusin sa pagbubukas ng klase,” ani Tiangco.

Sinabi niya na ang mga benepisyong ibinibigay ng batas na ito ay naglalayong pagaanin ang mga pinansiyal na pasanin ng mga guro kaugnay ng mga teaching supplies, learning materials at iba pang incidental expenses.

“Mahirap na trabaho ang pagiging teacher kaya ang nais natin ay mapalawak ang mga benepisyong natatangap nila mula sa gobyerno para maibsan ang mga alalahanin nila at talagang mas maka-focus sa pagtuturo sa mga estudyante,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Tiangco na ang mga allowance sa ilalim ng batas na ito ay  magpapalawig sa iba pang tauhan ng pampublikong paaralan.

“Hindi lang teachers ang makikinabang dito, kundi pati mga guidance counselors, librarians, vocational instructors, pati na rin mga Mobile teachers at mga nasa Alternative Learning Systems,” aniya.

Ayon sa IRR ng batas, ang mga benepisyaryo ay tatanggap ng paunang allowance na P5,000 para sa school year 2024-2025, na tataas sa P10,000 sa susunod na school year.

“This additional benefit for public school teachers underscores the administration’s commitment to enhancing educator welfare. President Marcos has consistently outlined his policy goals to improve public education, and I fully support crafting meaningful legislation that expands teachers’ benefits and ensures quality education for all Filipino students.” sabi pa Tiangco.