November 18, 2024

BOSS TOYO INILUNSAD “MASIPAG VAN”

Isa na ata sa pinaka-busy na content creator ngayon ay si Boss Toyo na nagtungo sa Northern Luzon upang ilunsad ang kanyang “Masipag Van,” isang konsepto na kanyang nilikha para bigyang ng reward ang mga hardworking na Filipino.

Ibinunyag ni Boss Toyo na iniba niya ang kanyang charity activities mula sa kinikita niya sa kanyang Pinoy Pawnstars. “Ayaw ko lang makita ‘yung iba na walang tumutulong sa kanila katulad nung naranasan ko before. Ang hirap kasi nun. Kung able na, kung may sobra naman, why not na tumulong,” aniya.

Kasama niya nga pala ang iba pang content creator tulad ni Ava Mendez, na nagtungo sa Tarlac at Tugegarao upang mamigay ng pera.

“Hindi mo kailangan maging santo o maging perpekto para magbigay ng tulong. Dahil walang ganon, walang perpektong tao,”  dagdag niya.


“Sobrang nakakatuwa nga na kabila-kabila ang mga nagbibigay ng tulong. Gawin lang natin ‘yung mga bagay na gusto natin,” dagdag niya.

Sa Tarlac, nagbigay siya ng P10,000 sa isang magtataho.

“Sobrang sipag ni manong. Minsan after niya magtinda ng taho, makikita mo naman na nagtitinda siya ng binatog na mais. More or less 25 years ko na siya nakikita at siyempre suki na rin,” ani ng isang Facebook user sa Tarlac.

Nakaharap din ng content creator ang isang mahirap na pamilya sa Tugegarao.

First time ko nakakita ng ganung klaseng pamilya. ‘Yung masasabi mo talagang nasa estado ng poorest of the poorest. ‘Yung pamilyang hindi nakapag-aral tapos ‘yung mga anak na may anak na rin sa edad na 14 at karga-karga ‘yung anak niya. Dito mo makikita sa kanila na talagang ito pala ‘yung sobrang hirap,” pahayag niya.
“Kaya nung pauwi na ako, iniisip ko bakit hindi na lang maging pantay-pantay ‘yung tipong walang nagugutom, ‘yung lahat ay makakapag-aral at ‘yung mga sobrang yaman ay sana sakto na lang. Doon naisip ko na libutin ang mga pinakamahirap na pamilya sa buong Pilipinas at makita ang kalagayan nila,” pagpapatuloy niya.
“Paglabas ng baby namin ni Loves Jhoy, ito agad ang gagawin ko. Kahit saang lupalop pa ng Pilipinas pupuntahan ko,” dagdag pa niya.

Namahagi rin ng tulong ang Pinoy Pawnstars host sa maraming barangay sa Metro Manila sa panahon ng Bagyong Carina.