PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ang bagong Pio Carreon Elementary School, bilang pagtupad sa pangako ng lungsod na magbigay ng mas maraming learning spaces sa Valenzuelano students, kasabay ng unang araw ng mga klase sa lungsod nitong Agosto 5.
Ang bagong bukas na paaralan ay may kabuuang area na 2,788 square meters, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PhP 12 milyon. Ito ang ika-43 na paaralang elementarya sa lungsod at karagdagang academic space para sa mga mag-aaral na naninirahan sa Brgy. Mapulang Lupa na solusyon sa pagsikip ng mga silid-aralan dahil sa dumaraming bilang ng mga mag-aaral.
Kasabay nito, muling inilunsad ng pamahalaang lungsod ang mobile medical, dental, at pharmacy clinics na tinawag na Eskwelasugan Caravan. Ang nasabing mobile clinics ay linggu-linggong iikot sa buong lungsod upang magbigay ng libreng serbisyong medikal at dental sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Ang bawat sasakyan ay may nakatalagang doktor at dentista para magbigay ng libreng health at dental check-ups.
Makakatanggap din ang mga mag-aaral ng mga libreng gamot at bitamina mula sa mobile pharmacy na nakaparada sa kanilang school grounds na mananatili sa loob ng ilang araw sa bawat paaralan.
“Ito pong area natin sa Brgy. Mapulang Lupa, katabi ng Purok Kwatro, ito po ay mga densely populated community. So, hindi na po enough ‘yung mga paaralan natin doon sa Mapulang Lupa main at gumawa na tayo ng panibagong structure… At very timely po na natapos natin ang phase 1 ngayon, kaya po gagamitin na itong brand-new facility ng mga estudyanteng nag-aaral,” pahayag ni Mayor WES.
Nais ng pamahalaang lungsod na magtatag ng mas maraming school facilities sa hinaharap upang mabigyan ang mga mag-aaral ng kaginhawahan sa kanilang pag-aaral.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY