November 23, 2024

33 barangay sa Valenzuela, may bagong mga fire trucks

ANG Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Senator WIN Gatchalian at Mayor WES Gatchalian, ay isinagawa ang blessing at turnover ceremonies ng 33 bagong fire trucks para sa 33 barangay sa lungsod na ginanap sa Puregold Dalandanan, parking grounds.

Pinondohan ng opisina ni Senator Win ang mga fire truck na ito, na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng PhP 2,899,800 at aabot sa kabuuang halaga na PhP 95,693,400, na partikular na idinisenyo upang mag-navigate sa mga makikitid na kalsada, na tinitiyak na ang lahat ng lugar sa lungsod ay may access sa mabilis, mahusay, at pagtitipid ng oras sa pagtugon sa sunog.

Kasama sa mga feature nito ang isang 1,000-liter capacity water tank, isang modernong portable fire pump, isang multi-functional warning blinker, isang rugged weather-resistant enclosure, at isang compact build para sa masikip na daan.

Ang mga fire traks na ito ay magpapalaki rin sa mga kasalukuyang force multiplier sa lungsod, na kilala bilang Bantay Sunog, na naglalayong gawing Valenzuela City from a fire-prone city to a fire-resistant city.

 “Ang nangyari noong bagyong Carina ay nagpapatunay kung gaano kahalaga ang papel ng ating mga barangay. Makikita natin na kung ganito kalawak ‘yung trahedya, ang unang responders natin ay mga barangay— pumapangalawa na lang ang city, pumapangalawa na lang ang national government. Kaya napakahalaga na matibay, magaling, at mabilis ang ating mga barangay… kaya ito ay isa lang  sa marami nating ginagawa para lalong lumakas at bumilis ang serbisyong ibinibigay ng ating mga barangay.” pahayag ni Sen. Win.

Binigyang-diin naman ni Mayor WES ang kahalagahan ng mga fire truck na ito sa pagpapahusay ng kakayahan ng lungsod na tumugon sa mga emerency nang mabilis at epektibo na kahit ang pinaka-hindi naa-access na mga lugar sa lungsod ay mapoprotektahan.