
PATAY ang vice mayor ng South Upi, Maguindanao del Sur at kanyang bodyguard, habang sugatan naman ang kanyang asawa at anak matapos tambangan ngayong hapon.
Binawian ng buhay si Vice Mayor Roldan Benito sa ospital kasama ang kanyang bodyguard, na nakilala lamang sa pangalang Marcos.
Ayon sa ulat, naganap ang krimen sa Barangay Pandan bago mag-alas-5:00 ng hapon. Lulan ang mga biktima ng isang pick-up truck.
Kinondena naman ni South Upi Mayor Renalbert Insular, na tatlong beses na ring inambush, ang naturang pag-atake sa vice mayor at pamilya nito, gayundin sa aide nito.
More Stories
KOREAN SCAMMER NA MAY P400-M KASONG FRAUD, NASUKOL NG BI
39 foreign workers sa Telco sa BGC, naaresto ng Bureau of Immigration
Tulak, tiklo sa Malabon drug bust