Natapos ang tennis career ni British tennis star Andy Murray matapos na mabigo sa men’s doubles sa Paris Olympics.
Matapos kasi na mag-withdraw sa singles match ay nagpasya ang 37-anyos na maglaro sa doubles para irepresenta ang kaniyang bansa.
Kasama niya sa doubles si Dan Evans ng subalit tinalo sila ni Taylor Fritz at Tommy Paul ng US sa score na 6-2, 6-4 ng quarterfinals rounds.
Matapos ang laro ay nagkaroon ng standing ovation sa Court Suzanne-Lenglen bilang pagkilala kay Murray.
Nagwagi ng gold medal sa Murray noong 2012 at 2016 Olympics ganun din sa silver medal ng mixed doubles noong 2012.
Taong 2012 ng talunin niya si Roger Federer sa Olympic finals at matapos ang isang taon ay nagkampeon ito sa US Open.
Magugunitang nagpasya si Murray na magretiro na pagkatapos ng Olympics dahil sa mga injury na kaniyang natatamo kung saan noong 2019 ay nagpa-opera na ito sa kaniyang beywang. (RON TOLENTINO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY