December 24, 2024

LUZON POWER NASA YELLOW ALERT STATUS

MULING itinaas ang yellow alert status sa Luzon grid bunsod ng mga palyadong power plant na punong dahilan sa manipis power reserve.

Sa isang kalatas, inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagsasailalim ng Luzon grid sa yellow alert.

Karaniwang nagdedeklara ng yellow alert status sa tuwing manipis ang suplay ng kuryente. Layon ng NGCP pagkasyahin ang reserbang kuryente kesa humantong rotational brownout.

Partikular na tinukoy ng NGCP ang aberya sa Sual Power Plant dahil di umano ng tagas sa boiler tube.

Bahagi rin ng tinatawag na contingency measure ang pagsasailalim ng pitong planta sa “forced outage” mula pa noong Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Kabilang dito ang 10 power plant mula Hunyo hanggang Hulyo 2024 habang lima ang tumatakbo sa “derated capacities” dahilan para magkaroon ng kabuuang 3,017.9 MW na kakulangan sa suplay ng Luzon grid.