TATAKBO si Senator Cynthia Villar para alkalde o kongresista sa Las Piñas City sa darating na halalan sa 2025.
Tapos na ang ikalawang termino sa Senado ng naturang senadora sa susunod na taon.
“Gusto ko magmayor. Si senator [Manny] Villar gusto niya mag-congresswoman ako,” ayon kay Villar.
“Tingin ko malaki ang maitutulong ko sa Las Piñas. Tingin naman ni Manny mas may value ako sa Congress,” dagdag niya.
Ayon sa senador, malalaman sa Oktubre ang kanyang desisyon kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhin, kapag nagsimula na ang paghahain ng certificate of candidacy,
Nais aniyang ipagpatuloy ang kanyang environmental advocacies sa Las Piñas, at iba pa.
May farm school ako sa Las Piñas, may river rehabilitation program, may Las Piñas-Parañaque Wetland Park, may drug rehab center kami doon,” saad niya.
Bago maupo bilang senador noong 2013, nagsilbi si Villar bilang kongresista ng Las Piñas.
Nagpahayag din ang kanyang pamangkin na si Las Piñas Vice Mayor April Aguilar na tatakbo siya para alkalde sa 2025.
Target naman ng anak ni Villar na si Deputy Speaker Villar Genuino ang Senate seat sa susunod na taon.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela