IPINAG-UTOS ng House of Representatives ang pag-aresto at pagkulong sa negosyanteng si Micheal Yang matapos itong isyuhan ng contempt dahil sa kabiguan nitong dumalo sa pagdinig kaugnay sa umano’y kinalaman nito sa P3.6 bilyong drug bust sa Mexico, Pampanga noong nakalipas na taon.
Ang detention order ay nag-ugat sa contempt order na inilabas ng House Committee on Dangerous Drugs laban kay Yang na kilala rin bilang Hong Ming Yang.
“In view of the attached CONTEMPT ORDER issued by the Committee on Dangerous Drugs on 10 July 2024 against HONG MING YANG a.k.a MICHAEL YANG you are hereby ordered to TAKE INTO CUSTODY and DETAIN HONG MING YANG a.k.a MICHAEL YANG for contempt of the House of Representatives for a period not exceeding Thirty (30) days pursuant to the said Rules Governing in Aid of Legislation of the 19th Congress,” sabi ng detention order.
Ang order ay nilagdaan ni House Committee on Dangerous Drugs chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at House Secretary General Reginald Velasco.
Dinala ni House Sergeant-at-Arms, retired Gen. Napoleon Taas at kanyang team ang arrest order sa Fortun-Law Offices sa 134 CRM Avenue, BF Homes Almanza, Las Piñas City.
Si Yang ay iniugnay kay Lincoln Ong, isang incorporator ng Empire 999 Realty Corp., na siyang may-ari ng warehouse sa Mexico kung saan nakumpiska ang P3.6 bilyong halaga ng shabu.
Kapag naaresto si Yang ay ikukulong sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.
Sa isang press conference nitong Miyerkoles, sinabi ni Barbers na nakaalis na sa bansa si Yang batay sa kanilang nakalap na impormasyon.
“We were informed na ang subject ng arrest order ay wala na ho rito. ‘Yung last information that we have, he is in Dubai,” sabi ni Barbers.
Ayon kay Barbers, makikipag-ugnayan ang kaniyang komite sa Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs (DFA) upang maipabatid sa ibang bansa na ipinaaresto si Yang.
“Itong arrest order na ito, we will have to provide information to the Immigration and DFA so that the DFA and our Immigration can likewise alarm other countries about the arrest order na inisyu dito sa House of Representatives,” paliwanag ni Barbers.
“So that we will be able to track kung nasaan siya kasi maaaring lumipat-lipat na rin siya. So kapag may alarm, it will now provide us information kung saan nagta-travel ito because he will be using definitely his own passport,” dagdag pa nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY