November 23, 2024

Kumakalat na P790-B budget para sa flood control, fake news – MMDA

PINABULAANAN ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Atty. Romando Artes ang kumakalat na post online na di umano’y meron silang P787.6 billion pesos na pondo para sa flood control program sa nakalipas na dalawang taon.

Sinabi ni Artes na wala silang ganon kalaking pondo kahit pagsamahin pa ang pondo ng MMDA, 49 na taon ang nakalipas mula nang itatag ang kanilang opisina.

Sa katunayan, noong 2023 meron lang anya silang P1.8 billion budget, habang P2.2 billion naman noong 2024.

Kasama na raw dito ang P400 million pesos na pondo para sa operation and maintenance ng 71 pumping stations.

Sabi pa ng opisyal, kahit pa pagsama-samahin ang naging budget ng MMDA sa loob ng 49 na taong operasyon nito, baka hindi pa rin maabot ang sinasabing PhP787.6 billion.