NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig-limang kilogram ng bigas sa 91,000 Navoteño families bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang pananalasa ng bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lungsod na nakaapekto sa kabuhayan ng marami.
Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang pangako ng lungsod na suportahan ang mga residente nito sa mga mapanghamong panahong ito.
“We understand the difficulties Navoteños are facing, and we are here to provide the necessary assistance and support. This rice distribution is just one of the many ways we aim to help Navoteños recover and return to their normal lives as soon as possible,” payahag ni Tiangco.
“We will start the distribution as soon as the logistical requirements are settled. We will post the schedule in our social media pages,” dagdag niya.
Bukod sa agarang pagbibigay ng tulong, nangako rin si Tiangco na mahigpit na makipag-ugnayan sa MMDA at DPWH para sa pagsasaayos ng Tangos-Tanza navigational gate.
Nasira ang gate noong June nang bumangga ang isang barge na nagdulot ng matinding pagbaha sa Navotas at Malabon.
Bumisita si Pangulong Bongbong Marcos noong Huwebes sa site at inatasan ang DPWH na magpatupad ng mga emergency measeures at pabilisin ng pagkumpuni ng navigational gate.
Samantala, namahagi din si Mayor Tiangco at ang kanyang kapatid na si Cong. Toby Tiangco ng 28,000 kilo ng isda noong Huwebes para suportahan ang mga pamilyang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa baha.
“We know Navoteños are resilient, as demonstrated by how we have weathered and triumphed over numerous storms. Let us continue to support one another and strive to overcome the challenges we face,” sabi ni Tiangco.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA