SULIT ang inihandog na PSBL treat sa dumagsang basketball crowd sa grandeng pagbubukas ng Perlas ng Silangan Basketball League sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City kamakalawa.
Muling napanood ng basketball enthusiasts nang live ang ang mga dating idolo na naging alamat sa Philippine Basketball Association (PBA) tulad nina Alvin ‘The Captain’ Patrimonio, Paul ‘Mr. Excitement’ Alvarez, Johnny Abarrientos,’Willie Miller, (comm) Rodney Santos at toreng sina Marlou Aquino at Edward Joseph Feihl at iba pang ex-pros ng koponang Pilipinas Dream Team (reinforced) na naglaro ng exhibition game naging dagdag- ningning sa league’s grand opening na dinaluhan ng mga sikat na personalidad sa sports, politics at entertainment.
Ang akala ay larong pasiklaban lang ang masasaksihan pero seryoso ang laban ng tropang Patrimonio kontra American reinforced Dream Team na binubuo ng mga copycat celebrities na naging dikitan ang bakbakan mula simula hanggang final buzzer sa score na 70-all.
May tsansa sanang maipanalo ni Aquino ang laro kung naibuslo niya ang foul shots at the buzzer kung kaya dahil ang laro ay isang exhibition ay wala nang overtime.
Sa buwenamanong basketball match ng PSBL 18-under, dinispatsa ng Yengskivel Caloocan ang mga Batang Muntinlupa , 71-57, upang itala ang kanilang buwenamanong panalo sa grassroot basketball development PSBL na itìnatag ni Founder COO Christian Ensomo katuwang si Nato Agbayani at PSBL Commissioner Rodney Santos.
“I’m overwhelmed. It’s a one of a kind opening ceremony dito sa Araneta. Star lahat ang dumalo dito magmula sa performers, celebrities, public servants, teams, league officials and staffs, basketball players and of course ang mga fans na dumagsa dito, mga pakitang -gilas sa Perlas. Maraming salamat, Pilipinas!” buong kagalakang sambit ni Ensomo sa panayam.
Sinabi naman ni Agbayani na lalarga na ang mga bakbakan ng liga sa NCR at aarangkada na rin ang PSBL Davao sa Agosto 10.
Ang naturang advocacy event ay co-presented ng Noble Life Philippines, Peek Up, WPS, IBP-Bagong Pilipinas with Media partners PTV 4, Zoe Broadcasting Corporation, The New Channel, Blast TV, TAP Sports and Partners Globaltronics and DOOH gayundin ang Gold’s Gym, Katinko, Bridge, VoiceBox Training University at Lorae Institute. (DANNY SIMON)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY