November 24, 2024

MGA FANS NAIYAK HABANG PINAPANOOD SI CELINE DION SA OPENING CEREMONY NG PARIS OLYMPICS

Natapos ang magarbong opening ceremony ng 2024 Paris Olympics.


Nagtapos ito sa pagdeklara ni French President Emmanuel Macron ang pagsisimula ng Paris Olympics.


Kinanta ni French mezzo-soprano opera singer Axelle Saint-Cirel ang national anthem ng France na La Marseillaise ang national anthem ng France.


Nakasuot na kulay puti si Saint-Cirel habang bitbit ang malaking watawat ng France at siya ay nakatayo sa Grand Palais na nakatayo malapit sa makasaysayang Champs-Élysées.


Naiyak naman ang mga fans sa pagbabalik sa pagkanta ni Celine Dion para sa Paris Olympics.


Kinanta nito ang “L’Hymne à l’amour” para sa pagtatapos ng opening ceremony.

Ito ang unang pagkakataon na kumanta ang singer matapos na dumanas ng stiff person syndrome, a rare neurological condition.

Bukod sa nasabing singer ay ilang mga techno at Europop music na may kasamang pagsayaw ang nagpakitang gilas.


Ilan sa mga nagtanghal ay ang Gojira, French mezzo-soprano opera singer Axelle Saint-Cirel, at Lady Gaga, na kumanta ng “Mon truc en plumes,” mula sa original singer na si Zizi Jeanmaire.


Agaw pansin ang si 14-time French Open winner Rafael Nadal na siyang nagdala ng Olympic torch sa opening ceremony.

Ang nasabing torch ay ipinasa mula mga atleta na kinabibilangan nina Zinedine Zidane, Rafael Nadal , Serena Williams , Carl Lewis, Tony Parker at ilang mga French Olympians.

Ang cauldron ay sinindihan ni French Olympians Teddy Riner at Marie-José Pérec.

Agaw pansin din ang Team USA na sila ang huling pumarada kung saan naging flag bearer si NBA star LeBron James at tennis star Coco Gauff.

Kaya naging huli ang USA ay dahil sila ang susunod na magiging host pagkatapos ng dalawang taon sa Los Angeles.