Sinuspendo ng Malacañang ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at opisina sa gobyerno sa National Capital Region (NCR) dahil sa nararanasan pag-ulan.
Ang nasabing anunsiyo ay base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pirmado ni Undersecretary Ariel Nepomuceno, Executive Director ng NDRRMC at Administrator ng Office of the Civil Defense ang nasabing kautusan.
Tanging ang mga ahensiya na may trabahong magbibigay ng basic at health services ang may pasok.
Kasabay din nito ay sinuspendi rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON