KAILANGAN din ng bawat kandidata sa timpalak ng pagandahan ang pagiging mentally at physically sound sa lahat ng panahon partikular sa kasagsagan ng mga aktibidad na may kinalaman sa mahabang proseso ng kumpetisyon hanggang sa koronasyon.
Nagtungo ng Tanay, Rizal ang mga piling dilag ng Pearl of the Orient Philippines Candidates 2024 upang personal na maranasan ang Tanay Culture and Sports sa timon ng Turismo sa bayan ng Tanay at makibahagi sa aktibidad pang-isports na larangang pinagbuhatan ng tradisyunal sport na SIKARAN.
Tulad ng taekwondo sa Korea, karate sa Japan, muay kickboxing sa Thailand at SIKARAN sa Pilipinas ay uri ito ng martial arts para sa kababaihan.
Punong-abala sa makabuluhang kaganapan si Master Crisanto Cuevas, President at CEO ng GSF Raven Sikaran Martial Arts na nasa Damaso Reyes St., San Isidro St.Tanay, Rizal.
Sa kooperasyon ng Tanay Tourism at LGU ay nakarating na ang mga beauty contestants sa Tanay Sikaran Martial Arts School kung saan sinalubong sila ni Cuevas at ng mga enthusiyastiko sa traditional sports sa venue ng Tanay Sikaran Martial Arts School.
Matapos ang mga pagbati at presentasyon ng mga binibining Pearl of the Orient ay nakipagsabayan ng tugtog na may tunog exercise kasunod ang SIKARAN basic training na pinagningning ng kulay puting kamiseta at pulang pants na pang-martial arts.
Ang mga beauty contestants ay buong kagalakang nakipagsabayan ng kanilang routine sa mga kabataang babae at lalaki na nag-aaral sa naturang martial arts school na umabot din ng mahabang oras ng ensayo.
“Empowering beauty through strength, the candidates of Miss Pearl of the Orient Ph 2024 underwent basic SIKARAN training conducted by Tanay SIKARAN Martial Arts School instructors under the Global Sikaran Federation based in USA na itinatag ni GSF Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag. This remarkable event is where beauty meets culture,” wika ni Cuevas (US-based) na kasalukuyang nasa bansa upang pangasiwaan ang mga nakahanay na malakaking martial arts sa Kamaynilaan, Rizal at Cebu. (DANNY SIMON)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY