Dahil sa kakulangan ng kanilang tauhan, inilipat sa ibang assignment ang mga pulis na dating nakalatalaga kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang nilinaw ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil matapos unang sabihin ng Office of the Vice President na ipinag-utos ng naturang hepe ang pag-relieve sa 75 PNP police at security group personnel.
Sinabi pa niyang binawi rin ang security contingent ng iba pang retiradong heneral dahil sa kakulangan nila ng tauhan, lalo na sa Metro Manila.
Itinanggi niyang ni-relieve ang 75 police escort ng Bise Presidente dahil tinanong daw nila ang mga pulis kung maaari silang ilipat.
Aniya, ang mga pulis na na-recall ay ipapakalat sa National Capital Region Police Office.
Sa isang statement nitong Martes, Hulyo 23, kinumpirma ni Vice President Duterte na naglabas ng Notice of Relief ang PNP chief sa 75 tauhan ng Police and Security Group na nakatalaga para sa kanyang seguridad.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY