November 24, 2024

NAVOTAS SOLON SA NTC, TELCOS: SUGPUIN ANG TEXT SCAMS, IPATUPAD SIM CARD LAW

SI House Committee on Information and Communications Technology Chair at Navotas Representative Toby Tiangco ay nanawagan sa National Telecommunication Commission na hikayatin ang mga stakeholder sa pagtugon sa problema ng text scam sa bansa.

Ayon kay Tiangco, ang mahigpit na pagpapatupad ng SIM Registration Act ay maaaring maging game-changer sa paglaban sa mga text scam.

Dagdag niya, “One of the main reasons Speaker Romualdez advocated for the SIM Registration Act was to institutionalize regulatory mechanisms capable of effectively addressing fraudulent acts. With the strict implementation of this law, we can gain momentum in both preventing and apprehending individuals or organized syndicates involved in text scams,”.

Binigyang-diin din ni Cong. Tiangco ang mahalagang papel ng pribadong sektor sa pagsuporta sa mga pagsisikap ng gobyerno na pigilan ang cybercrimes at ang pangangailangan ng mga ahensya tulad ng NTC na manguna sa mga collaborative program na ito.

“I always stress the importance of a proactive approach in effectively dealing with cybercrimes. It requires a multi-stakeholder effort, and by properly implementing the SIM Registration Act, we can gain headway in protecting Filipinos from fraudulent acts designed to obtain their personal information or, worse, use their identity for financial gain,” pahayag ni Cong. Toby.

“The NTC is currently meeting with telco companies and SIM distributors and retailers. They should include in their agenda a specific initiative that will foster close collaboration to curb these scams,” dagdag niya.

Kamakailan, naglabas ang Social Security System (SSS) ng advisory na nagbabala sa mga miyembro nito sa patuloy na phishing scam na ginagawa sa pamamagitan ng mga text message.

Ang advisory ay nagbabala sa mga miyembro ng SSS na maging maingat sa mga text message na humihiling sa kanila na mag-click sa isang link para sa mga claim sa benepisyo, expiring contribution payments, or MySSS registration.

Ayon kay SSS Senior Vice President Norma Doctor, ang scam na ito ay naglalayong magnakaw ng personal na impormasyon, kabilang ang mga social security number at log-in credentials para sa MySSS accounts.