MATAPOS masilip ang bilyong-bilyong halaga na pumasok sa bank accounts ni Mayor Alice Guo, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na napapangita na niya ang sabwatan ng mga bangko sa kontrobersiyal na alkalde na sangkot umano sa illegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa pulong balitaan, ibinulgar ni Gatchalian na mula 2019 hanggang 2022 ay malalaking halaga ng pera ang pumapasok sa mga bank accounts ni Guo.
Pero, ngayon lamang 2024 nai-report ng mga bangko sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bilyon-bilyong piso na nasa account nito.
Sinabi pa ni Gatchalian na malaking halaga ng bilyones na pumasok sa mga bank accounts ng suspendidong alkalde ay mula sa China.
Binigyang-diin ng senador na may pananagutan dito ang mga bangko dahil malaki ang kanilang pagkukulang sa hindi pagre-report ng mga kahina-hinalang bank accounts.
Maghahain ng hiwalay na resolusyon si Gatchalian para silipin ang isyung ito para maisaayos ang proseso at compliance ng mga bangko sa bansa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY