ANG Palarong Pambansa ay itinuturing na mina ng mga ginintuang atleta na isang grassroot level at sumasala ng mga best of the best patungong elite level na siya namang taga-diskubre ng mga pansabak sa international competitions.
Naniniwala dito si Bulldogs coach Romar Landicho kung kaya personal siyang nagtungo ng Palarong Pambansa sa baseball event na nasa Ayala seafront ng Cebu City upang maka-scout ng tunay na potensiyal at magagaling sa larangan ng baseball.
“Maraming kabataang estudyante ang promising baseball athletes na naglalaro dlto ngayon sa Cebu.Malalaki ang built physically ang mga bata dito sa Palarong Pambansa.Need lang sila madiskubre para maihasa ng husto sa kanilang comprehensive training para maging fulltime member ng kanilang magiging alma mater sa kolehiyo sa hinaharap,” wika ni coach Landicho na tumungong Cebu para makadiskubre ng talent na posibleng pamalit sa mga gumraduate nang manlalaro para sa mga hinaharap na kanilang pagsabak sa collegiate baseball kasama niya sa pagtuklas si Fil-Am conditioning coach Mon Espina.
Ang NU Bulldogs na nasa pangangasiwa ni LBP Ghairman Wopsy Zamora ay nagkampeon sa nakaraang Season 86 ng UAAP. DANNY SIMON
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY