ISANG tagumpay nang maituturing ang naging resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa nagtapos na Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.
“Reaching the semifinal round against the powerhouse European teams is already a peat. What more pumasok tayo sa semis at for the first time nanalo ang Pilipinas kontra number 6 sa mundo na Latvia in a convincing fashion na di pa nagawa ng ibang Asian countries.
Umabot tayo sa crossover semis at the expense of Georgia at kinapos lang sa Brazil dahil na-injure si Kai Sotto.what more we can ask for?” , wika ni Wang, may-ari ng Wang’s Basketball sa PBA D- League.
Optimistiko si Wang na ang misyon ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ay magiging posible na pagsapit ng 2028 na abot ng 4-year program na pinabalikat sa kanya ng SBP dahil epektibo na ang itinimong sistema ni Cone sa pambansang koponan. Ang mga nag-numero- unong bansa sa 3 bracket ng OQT ans nag-qualify para sa Paris Olympics 2024 sa France mula Hulyo 26 hanggang Agosto 10 ng taon. (RON TOLENTINO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY