
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Sen. Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).
Sa ika-19 ng Hulyo pormal na uupo sa kanyang bagong posisyon si Angara kapalit ng nagbitíw na si Vice President Sara Duterte.
Ang pagtalagâ kay Angara ay inanunsiyo sa isang Facebook post ngayóng Martés ng Presidential Communications Office (PCO).
Ibinahagì ng PCO ang napakalawak na karanasán ni Angara bilang mambabatas, at kabilang sa mga nagawâ niya simula noóng 2013 ay ang pagsulong ng napakaraming repormang pang-edukasyón.
Kabilang sa mga panukala ni Angara na nagíng batás na Universal Access to Quality Tertiary Education at Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12).
More Stories
HAMON KAY PASIG BET ATTY. SIA: KANDIDATURA IATRAS (Matapos ang mahalay na joke sa mga single mom)
KOREANO NA WANTED SA FINANCIAL FRAUD TIMBOG SA NAIA 3
BASTOS NA RUSSIAN VLOGGER ARESTADO SA PANGHAHARAS NG MGA PINOY SA BGC – BI