November 24, 2024

MEGA JOB FAIR, NAMAHAGI NG CASH ASSISTANCE, ISINAGAWA SA NAVOTAS

NAGLUNSAD ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng Mega Job Fair na dinayo ng mahigit 300 jobseekers bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary. Nasa 50 na mga kompanya ang nagbukas ng may 6,000 job opportunities para sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho kung saan 212 individuals ang hired on the spot. Mayroon ding booths ang mga government agencies tulad ng PSA, SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth para sumagot ng mga katanungan ng mga aplikante. (JUVY LUCERO)

ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nag-alok ng job opportunities, support small businesses, at nagbigay ng essential relief sa mga apektado ng kalamidad, bilang bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration.

Itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t-ibang industriya.

Mahigit 300 Navoteños ang nag-aplay para sa mga trabaho kung saan 212 individuals ang hired on the spot.

Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.

Samantala, nasa 250 families ang nakatanggap ng tulong pinansyal para matulungan silang makabangon at muling makatayo matapos ang insidente ng sunog sa Brgys. San Roque, Navotas West, Bagumbayan North, at North Bay Boulevard North.

Habang 120 Livelihood Package at 122 Tulong Puhunan grantees ang nakakuha ng suportang pinansyal para mapalago ang kanilang maliliit na negosyo.

Muling pinagtibay ni Mayor John Rey Taingco ang dedikasyon ng lungsod sa patuloy na suporta para sa employment and livelihood assistance programs.

“We are committed to creating opportunities for employment and livelihood for every Navoteño,” sabi ni Tiangco.

“We also offer programs to enhance the knowledge and skills of our residents, ensuring they are well-equipped to thrive in their chosen fields and achieve their full potential,” dagdag niya.

Ang Navotas, sa pamamagitan ng NavotaAs Hanapbuhay Center and PESO, ay regular na nagsasagawa ng NegoSeminars para sa Navoteños na gustong magsimula ng kanilang sariling negosyo at  in-house job interviews, gayundin ang pre-employment seminars for jobseekers.