
Sugatan ang dalawang mangingisda matapos sumabog ang makina ng kanilang Bangka malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Base sa larawan ng ibinahagi ng PCG sa mga miyembro ng media, lumubog ang napinsalang motor banca dakong alas-3:00 ng hapon,
Namataan din ang dalawang vessel ng China Coast Guard malapit sa insidente,.
Ayon sa PCG, tinangkang harangin ng China Coast Guard ang rescue operation kahit na ipinaalam sa kanila na ito ay emergency.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nagsagawa sila ng rescue operation at binigyan ng medical attention ang mga sugatang mangingisda.
More Stories
UMANO’Y DRUG LORD NA SI KERWIN ESPINOSA BINARIL HABANG NANGANGAMPANYA
Sa pagdinig ng Senado sa Duterte arrest… REMULA: AYAW NAMING MA-BULLY
42 undocumented Chinese National’s huli sa Alabat Island, Quezon