November 24, 2024

EX-CABINET OFFICIAL PADRINO NG ILANG ILLEGAL POGO – PAGCOR

IBINULGAR ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isang dating mataas na opisyal ng gobyerno ang pumapadrino para mabigyan ng lisensiya ang ilang illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ni-raid kamakailan lang ng mga awtoridad,

Sa isang pahayag, bagama’t hindi pinangalanan ang ex-Cabinet official, pero sinabi ni PAGCOR chief Alejandro Tengco na tutumbukin niya ang pagkakilanlan ng taong ito sa tamang forum.

Ayon kay Tengco, dapat ding silipin ng mga nag-iimbestiga sa mga kahina-hinalang aktibidad ng mga dating lisensiyadong POGO kung papaano ang mga dating opoisyal at kanilang kasabwat ay nasangkot para bigyan ng lisensiya ang mga POGO applicant na may kahina-hinalang background.

May mandato ang PAGCOR na tiyakin na ang mga may valid licenses ang papayagan na makapag-operate ng lajat ng uri ng gambling o gaming activities, maging ito man ay physical casinos o online platform.

“It is in the interest of the government to crack the whip against illegal operators, including the so-called offshore gaming operators or POGOs and their backers, because the criminal activities associated with their illegal operations pose serious threats to our people,” ani Tengco.

Kinuwestiyon din ni Tengco kung papaano nakakuha ng lisensiya ang mga POGO noong una, dahil noong panahon ng cleansing process ng ahensiya, karamihan dito ay napag-alaman na kahina-hinala at hindi karapat-dapat.

“We are also ready to reveal the roles of other controversial individuals behind these criminal POGO enterprises,”  dagdag niya.

Buhay na buhay ang mga POGO sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang nagsabi na malaki ang naitulong ng POGO sa ekonomiya, Gayunpaman, maraming ang napaulat ng kaso trafficking, kidnapping, murder, torture, prostitution at iba pang pang-aabuso na kinasasangkutan ng POGO. Illegal ang gambling sa China, kaya dumagsa ang Chinese operators sa Pilipinas,

`Winalis ng PAGCOR sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga illegal POGO sa bansa kung saan ang dating bilang ng mga lisensiyado kung saan ang bilang ng mga lisensiyado ay 298 sa ilalim ng Duterte admin na naging 43 na lang sa kasalukuyan.

Naging spotlight muli ang mga POGO dahil sa kaso ni Bamban Mayor Alice Guo na naiugnay sa sinalakay na POGO sa Tarlac.

Sinimulan ang pag-iimbestiga ng Senado sa umano’y pang-aabuso sa Bamban POGO na nauwi sa pagtatanong sa national security, lalong lumakas ang ebidensiya na nagpapatunay na si Guo ay isang Chinese national na pineke ang kanyang Filipino citizenship upang manalo sa puwesto at mapatakbo ang illegal na aktbidad ng POGO.