PINUNA ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang umano’y magarbong pagdiriwang ni Caloocan City Cong. Oscar Malapitan ng ika-70 kaarawan nito sa isang mamahaling hotel kamakailan na umabot sa halagang P3 milyon.
Sinabi ni Trillanes, hindi magandang ehemplo ang ipinakita ni Malapitan na habang nagdiriwang ng magarbong kaarawan ay marami namang mga taga-Caloocan ang naghihirap.
Hindi rin daw isyu kung personal na pera ni Malapitan ang ginamit o ginastos sa birthday party. Mas masarap sana sa pakiramdam kung nagsagawa na lamang ng kanyang kaarawan ang mambabatas sa piling ng kanyang mga constituent.
Kinuwestyon din ni Trillanes kung saan galing ang pinanggastos sa magarbong birthday party ni Malapitan na ginawa noong Hunyo 14 sa isang sikat at mamahaling hotel sa Pasay na dinaluhan ng 1,000 bisita.
Matatandaang si Malapitan ay inakusahan sa maling paggamit ng kanyang PDAF na may halagang P8 milyon at makaraan ang 2 taon noong 2015 ay nagsampa ang Office of the Ombudsman ng kasong graft and corruption at 6 opisyal ng DSWD nang gamitin ang kanyang PDAF para sa programa ng Kalookan Assistance Council Inc., noong 2016.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY