November 24, 2024

HIGIT P3-M NA BITBIT NG 2 KOREANO, KINUMPISKA SA NAIA

MAGKATUWANG na nag-inspeksyon ang Bureau of Customs (BOC), Anti Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas sa currency declaration sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong Hulyo 25, 2025. Ito’y alinsunod sa Executiver Order  No. 33, series of 2023 at Office of the President Memorandum Circular No. 37, series of 2023 na nagpapatibay sa 2023-2027 National Anti-Money Laundering, -Counter-Terrorism Financing, Counter Proliferation Financing Strategy (NACS).

Pinangunahan ang joint insepection nina Deputy Commissioner Teddy S. Raval of the BOC, Atty. Allan Julius Azcueta, Acting Deputy Director, Commitments and Policy Group, AMLC, at Atty. Alexis M. Cervantes, Manager, International Operations Department, BSP.

Sa isinagawang pag-iinspeksyon, dalawang Koreano ang nahuli matapos matuklasan na may dala silang KRW 80,000,000 o katumbas ng P3,387,473. Dahil dito, umabot na sa 83 ang total currency seizure ng BOC simula Enero 1, 2024.

Patuloy na magsasagawa ang BOC, AMLC at BSP ng joint inspection upang tiyakin na mahigpit na maipatutupad ang currency detection measures at policies sa cross-border transport ng currencies at monetary instruments sa lahat ng international airports at seaports.

“We are committed to maintaining the integrity of our financial system and ensuring that our borders are secure from illegal monetary activities,” ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.