TINIYAK ni Filipino gymnast Carlos Edriel Yulo na kanyang ibibigay ang pinakamahusay na performance upang makamit na ang katuparan ng kanyang pangarap na gintong medalya sa Olimpiyada.
“Pina-polish ko na lang po ang mga moves para makuha iyong mga degree of difficulties kaya pagdating sa moment of truth ay pokus na ako sa aking misyon na gold sa Paris Olympics,”
pahayag ng 24-anyos nang si Yulo sa sendoff na handog sa kanya at kapwa Olympian din ng nangungunang sports betting company sa bansa na ARENA Plus kamakalawa.
Kamakailan lang ay nakapag-uwi ang world champion na si Yulo ng 4 na gintong medalya sa prestihiyosong 2024 Men’s Artistic Gymnastics sa Kazakhstan bilang bahagi ng kanyang marubdob na olympic training .
Buong pasasalamat din ang ipinaabot ni Paris Olympics bound boxer Felix Eumir Marcial sa tanyag na taga-suporta ng sports sa bansa na ARENA Plus.
Sa media presentation kina Paris Olympics bets gymnast Yulo( live) at Marcial (via zoom ) sa Brittany Hotel sa Taguig City na inorganisa ng DIGIPLUS para sa ARENA Plus, tinaguriang Ambassador of Sports ng naturang corporate sponsor ang dalawang magiting na atletang Pilipino na may malaking tsansang makapag-uuwi ng Olympic gold para sa Pilipinas.
“Nagpapasalamat po ako sa ARENA Plus sa kanilang todo- suporta sa inyong lingkod at kapwa ko Olympians at sisikapin kong matumbasan ng gold medal ang inyong ginintuang kalooban at malasakit sa tulad kong atleta para mapadaling tuparin ang aking pangarap para sa bayan” wika ni Marcial via zoom mula Las Vegas, Nevada , USA kung saan ay doon ginaganap ang kanyang pampinaleng training bago sumabak sa nalalapit nang Paris Olympics sa France.
“Astig talaga ang ARENA Plus..I love you!”, todong pagpugay ni Marcial sa nangungunang ninong sa larangan ng sports na ARENA Plus.
Si Marcial ay nakapag-ambag na ng bronze medal noong nakaraang Tokyo Olympics na tinampukan ng historic gold medal ng Pilipinas kortesiya ni lady weightlifter heroine Hidilyn Diaz.
“Go for Olympic gold in Paris!”, mensahe naman ng ARENA Plus kina Marcial at Yulo at iba pang Olympians ng bansa.
Sinegundahan naman ni Filipino world artistic gymnastics champion Yulo ang pasasalamat sa pag-ayuda ng ARENA Plus sa hanay nilang Olympic -bound athletes kaya optimistiko rin itong makapaghahandog na siya ng Olympic gold sa gymnastics pag-uwi galing sa pinakamalaking sports show sa mundo na Paris Olympics 2024 sa France.
Ang ARENA Plus ay bantog bilang pangunahing tagapagtaguyod ng elite sports sa Pilipinas. (DANNY SIMON)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY