
KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, Acting Chief of Police ng Caloocan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities nina alyas ‘Totong’ at alyas ‘Dogong’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa mga ito.
Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong ala-1:04 ng madaling araw sa Corinthians St., Brgy., 177.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P47,600 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P6,000 boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
More Stories
43rd PAL Manila Marathon, Babalik Na sa Hunyo 22
BARIL NG PULIS, PALITAN NG BOLO – PNP CHIEF TORRE (‘Pag di pumasa sa marksmanship)
Suspek Patay sa Buy-Bust sa Pasig; Dawit sa Ilegal na Bentahan ng Baril at Iba Pang Krimen