November 23, 2024

BUCOR NAGHAHANAP NG PARTNERS UPANG PONDOHAN DECONGESTION PROGRAM

Makikita sa larawan sina BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., (ikalawa mula kanan), Deputy Director General for Reformation, DDG for Operations, Gil Torralba, Prof. Yoshinori Okuda ng United Nations Asia at Far East Institute for the Prevention of Crime and the Treatment of Offenders (UNAFEI) at Hiroki Yoshida ng Embahada ng Japan.

NAGHAHANAP ng partner ang Bureau of Corrections ng partners upang pondohan ang decongestion program nito upang tuluyang maipatupad ang Republic Act 10575 o BuCor Modernization Act.

Ginawa ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang naturang pahayag matapos nitong mainit na tanggapin ang mga delegado mula sa United Nation Asia at Far East Institute for the Prevention of Crime and  the Treatment of Offenders (UNAFEI) at Embahada ng Japan sa New Conference Room sa NBP building sa Muntinlupa City kahapon.

Sinabi ni Catapang sa mga delegado na mayroong higit 44,000 hektaryang lupain ang BuCor subalit kapos sa kinakailangang pasilidad upang maging tahanan ng dumadaming bilang ng People Deprived of Liberty (PDL).

Dagdag niya, ang Japan at Pilipinas ay may kinaharap na parehong global problem bukod sa mga PDL, kaya aniya kailangan gamitin ang kanilang kakayahan at patuloy na makipag-partners para sa malalaking perspektibo.

“We look forward to developing our capabilities, we want a different kind of endeavor that would really change the lives of PDLs and prepare them for their impending freedom to rejoin the society, but we lack the necessary funding to do so since our government has very limited resources,” ani Catapang.

Sa kabilang dako, nag-alok ang UNAFEI ng multilateral training courses para sa 2025 fiscal year (April 2025 – March 2026) na lalahukan ng hindi bababa sa 20 bansa. Ang course curriculum ay bubuuin ng individual presentations, lectures mula sa mga kilalang international at Japanese expert group workshops at study visits/trips.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga participant na magbahagi ng kaalaman sa paksa ng kurso at maipakita ang kanilang kahusayan sa buong mundo. Inorganisa ang nautrang programa ng Japan International Cooperation Agency (JICA)