November 23, 2024

KAUNA-UNAHANG BABAENG KABILANG SA FEMALE GRADUATES

Si Elena Lucrezia Piscopia Cornaro (1646-1684), isinilang sa Venice, Italy ay masasabing babaeng henyo sa nakalipas na mahigit 300 taon. Sa edad na 7, nag-aral siya ng wikang Latin at Greek. Kalaunan, naging dalubhasa siya sa 7 wika. Karagdagan pa rito, pinag-aralan niya rin ang mathematics, philosophy at theology. Bagama’t hindi siya pinahintulutang makapag-aral ng mga lektura kasama ng mga kalalakihan, pinagsikapang niyang pag-aralan ang mga ito.

Noong June 25, 1678, nakapagtapos siya sa University of Padua at kinilalang isa sa kauna-unahang kababaihan sa mundo na nakakuha ng degree o naka-graduweyt. Si Elena ay kabilang sa tatlong kababaihan na nakapagtapos bago ang ika-19 siglo.

oOo

PUGOT ULO

Ang kahuli-hulihang preso na pinapugutan ng ulo dahil sa kasong treason sa Britanya ay si Simon Fraser (Lord Lovat, isinilang noong 1667). Si Fraser ay pinugutan sa Tower Hill sa London noong April 9, 1747 sa edad na 80.